Ganito na ba ako ka disoriented?

  Nagmistula na akong dalmatian sa dami ng pasa ko sa katawan. NO! Hindi ako biktima ng child abuse kundi biktima ako ng katangahan. Kung saan-saan na lang ako nauuntog, nabubunggo, nasasabit, naiipit, at nasusugatan. Ampota na man talaga oh. Kahit sa CR hindi ako ligtas (kanina lang tumae ako..hehe paghablot ko ng tabo nasabit kamay ko sa gripo OUCH putang bakal fakyu) . Sirang sira na tuloy ang seksi kong legs (siya na lang kasi palagi ang biktima sa krimen ng mga drawer, mesa tsaka upuan). Pakiramdam ko, pinagkakaisahan na ako ng lahat ng furniture at appliances dito sa bahay. Saang lupalop man ako mapadpad, ganun pa rin. Sa paaralan bidang-bida ako sa sa mga arm chair tsaka teacher’s table na yaru sa mahogany at narra… ouch naman ansaket-saket na talaga kuya.  Minsan mapapatulala na lang ako, pa muni-muni effects… kunwari ang lalim ng iniisip baka mapagkamalang highly intellectual na tao. hahaha kakatuwa naman, yun pala ang babaw ng iniisip.

Sa halos lahat ng ginagawa ko, kahit napakasimple na nito gaya ng pagkuha ng uniporme sa aparador, hindi ko talaga maiiwasang hindi madisgrasya. aaaaaaah bakit ba kasi ako sa sangkatutak na sangkatauhan sa mundong ito ang may ganitong kamalasan!!!! kainis talaga, minsan napapaluha talaga ako sa sakit. Pasa dito passa doon. Swerte ko lang kung hindi ako magkasugat o magkapasa sa isang linggo. grrrr gusto kong pumatay ng lamok! SPEAKING OF LAMOK! MGA WALANG KWENTANG HAYOP NA NAGDUDULOT NG DENGUE AT MALARIA AT KUNG ANO-ANU PANG KARAMDAMAN gusto kong malaman niyo na peste kayo sa buhay ko. Wala na kayong ibang ginawa kundi ang kagatin ako, at nabasa ko sa isang health website na ang mga pesteng lamok na ‘yan pagkatapos tayong kagatin eh ji-jingle pa yan sa balat mo!(internet ang source… di ko alam kung maniniwala ako agad.. ah basta) mga mapangalipustang nilalang!! isa rin sila sa mga tumutulong upang masira ang maganda  kong skin pakshet ka! bakit naman kasi masyado pa tong sensitibo ang balat ko!? hindi naman kami mayaman!! Dumagdag pa tong allergies ko!!! Kami’y hamak na dukha lamang pero masaya kami sa piling ng isa’t isa (chos nagdadrama pa ako kung anu-ano na pinagsasabi ko). Ewan ko na lang talaga! Kasalanan to ng aking butihing ama. Sa kanya lang naman kasi ako nagmana nang halos lahat ng pisikal na aspeto. Parehong structure ng buto, mejo seksi kasi si daddy, kung naging babae pa yun ewan ko nalang.  Parehong mahilig sa matatamis, parehong sira-ulo, tamad, balasubas.. hehehe pareho rin kaming sensitibo ang mga balat. Palibhasa intsik dadi nya. Kaya ayun… tsaka nalaman ko kay inay na allergic din si dadi sa manaok, alak(pero bespren nya yan) atbp. So, nagresearch ako tungkol sa mga allergies. AT DUN KO NALAMAN ANG LAHAT. Kapag isa sa mga magulang mo may allergird 100% isa sa mga anak nila ang makukuha ang genes pang allergies, aba sinuwerte ata ako! AKO LANG NAMAN ANG NANALO SA RAFFLE!!! Nakamit ko ang limpak-limpak na bawal na pagkain 😀 pakshet. manok, kalabasa, monggo, itlog, bulad, talong, hipon, talangka atbp. Pero… okay na rin ito at least, hindi kanser… AAAHHH GRRRR pero kahit naaaaa!! kasi naman ehhh.. kahit konti lang kainin ko namumula agad, nagkakarashes, nahihirapang huminga tpos may tutubong kung ano-anu sa balat ko na napakakati as in sobrang kati minsan hindi talaga ako makatulog. Hindi lang yan. pag masyado akong mabibilad sa araw, mamumula rin ako o di kaya’y mahihimatay(mabuti kung si prince charming ang sasalo :3 kyaaaa) o mahihilo.

Hay ewan ko ba kung bakit type kita. di ka naman gwapo~ oooh ang galing kong kumanta pag ine-encode ko BRAVO. Halos lahat na ata ng parte ng katawan ko sentive eh. Pati buhok, pati internal organs ganun din! haaay madaling magtampo sakin tong tiyan ko grrrr. tsaka mata ko rin!! omg omg omg AKO NA TALAGA!! may naidudulot din naman itong mabuti hehehehe hindi ako pinapahugas ng pinggan o pinaglalaba kasi yung kamay ko maarte rin(pero binilhan ako ng rubber gloves para magkasilbi ako shit damn sino bang umembento ng gloves?! magsama nga kayo sa umembento ng math!!!) 🙂 palagi rin akong special treatment sa mga handaan (pero minsan hindi puta) haay i love myself pa rin kahit papano, salamat Lord Jesus sa pagsagip mo saming lahat kahit na makasalanan kami. Amen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s